Mga Pilipinong mangingisda, nanindigang sinadyang banggain ng Chinese vessel ang kanilang bangka

Inalmahan ng mga mangingisdang Pilipino ng F/B Gem-Vir 1 ang mga sinabi ng ilang opisyal ng gobyerno.

Ito ay matapos sabihin ni Energy Secretary Alfonso Cusi na baka biniro lamang sila o hindi intensyon ng Chinese vessel na sila ay banggain.

Ayon kay Jonel Insigne, kapitan ng bangkang pangisda – hindi nila nagustuhan ang sagot ng kalihim matapos tanungin kung bakit sila tinakbuhan ng barko ng China.


Sinabi aniya ni Cusi na umalis ang Chinese vessel nang matiyak na ligtas at buhay sila.

Pero nanindigan si Cusi na hindi sinadya ang pagbangga ng Chinese vessel sa fishing boat.

Iginiit din ni Cusi na concern din si Pangulong Rodrigo Duterte sa pangyayari.

Facebook Comments