Inaalam na ng Philippine Coast Guard (PCG) kung nagkatoob ng oil spill sa nangyaring pagtaob ng isang cargo vessel sa Surigao del Norte.
Sa inilabas na pahayag ng PCG, tumaob ang LCT PACIFICA 1 habang nasa kalagitnaan ng karagatan na sakop ng Hinatuan Island at Bucas Grande Island sa Surigao del Norte kaninang alas-8:30 ng umaga.
Kwento ng kapitan ng nasabing vessel na si Mr. Robert Espino, umalis sila ng Cabadbaran Port sa Agusan del Norte at papunta sana ng Dapa Port sa Surigao del Norte ng makaranas ng mataas na alos na halos tatlong metro kung saan nakapasok ito sa kanilang engine room.
Dahil dito, nagkaroon ng problema ang kanilang makina at pagmamando ng vessel.
Mabuti na lamang ang nakita sila ng MV Veronica ng mapadaan sa nabanggit na karagatan
Dahil dito, agad na naligtas ang kapitan gayundin ang 22 crew nito na nasa maayos ng kalagayan.
Patuloy naman ang assesmsnt ng PCG upang malaman kung nagkaroon ng oil spill sa pinangyarihan ng insidente.