Medical team na pinadala ng DOH, dumating na sa Turkey

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na dumating na sa Turkey ang medical emergency response team na pinadala ng DOH.

Bitbit ng naturang response team ang medical supplies at equipment para sa emergency care at consultations.

Ayon sa DOH, ang naturang team ay agad na nagtungo sa lugar kung saan sila naka-assign para tumulong sa pagbibigay ng medical assistance.


May mga dala rin silang tent na kanilang tutuluyan.

Kabilang din sa kanilang mga serbisyong gagawin ay public at medical care, water sanitation, nutrition in emergencies, gayundin ang mental at psychosocial support.

Facebook Comments