PCG, itinigil na ang rescue operations sa nawawalang scuba divers sa Tubbataha Reef

Itinigil na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Search and Rescue (SAR) operations sa 4 na nawawalang divers na sakay ng lumubog na M/Y Dream Keeper.

Wala na kasing nakitang palatandaan ang rescuers na may matatagpuan pa silang buhay sa mga nawawalang indibidwal.

Kabilang sa 4 na missing ang may-ari ng yate, dalawang pasahero at isang dive master.


Nabatid na biglang sumama ang panahon sa lugar kaya lumubog ang yate.

Facebook Comments