
Bilang paghahanda sa paggunita ng Undas, mas lalo pang naghigpit ng pagbabantay ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), partikular sa mga pantalan, upang matiyak na magiging maayos ang pagbiyahe ng mga pasahero.
Nagdagdag ng mga tauhan ang PCG at idineploy ang kanilang K9 units sa lahat ng pantalan, maging sa mga terminal ng bus at paliparan.
Bawat pampasaherong barko ay masusing iniinspeksiyon ng PCG upang maiwasan ang overloading at anumang hindi inaasahang insidente sa paglalayag sa karagatan.
Bukod dito, naka-deploy na rin ang mga medical team at deployable response groups sa mga terminal, beach, at coastal tourist areas, lalo na sa lalawigan ng Palawan.
Nakipag-ugnayan na rin ang PCG sa Department of Transportation (DOTr), Philippine Ports Authority (PPA), Maritime Industry Authority (MARINA), at mga local government unit (LGU) para sa paglalagay ng mga Malasakit Help Desk sa mga pangunahing pantalan.









