PCG, naghahanap ng mga karagdagang personnel bago matapos ang taon

Naghahanap ngayon ang Philippine Coast Guard o PCG ng mga bagong personnel bago matapos ang taong 2019.

Ayon sa Coast Guard, 4,000 officer for commission ship at enlisted personnel ang kanilang kailangan kung saan hinihimok ni Commandant Vice Admiral Joel Garcia ang mga nagnanais na maging miyembro nila.

Sa pahayag ni Garcia, maaaring ipasa ang aplikasyon sa kahit saang district office ng Coast Guard sa buong bansa habang ang petsa naman ng eksaminasyon ay sa November 30, December 7 at 14, 2019.


Ang mga nagnanais maging officer na may ranggong ensign ay kinakailangang four year college degree, professional civil service degree at pasado sa aptitude battery test ng PCG na may salary entry level na P51,000.00.

Ang mga enlisted personnel naman ay kinakailangang may 72 units sa kolehiyo o kaya ay pumasa ng anim na buwan na pag-aaral sa TESDA at pasado din dapat sa aptitude battery test ng PCG na may salary entry level na P37,000.00.

Ang mga application forms naman ay maaaring ma-download sa PCG recruitment branch Facebook page o kaya ay maaaring tumawag o mag-text sa numerong 0917-8156992.

Facebook Comments