Proper House Bill 5456 na inihain ni Cong. Salceda, tiyak na ikatutuwa ng ehekutibo sakaling lumusot sa mga mambabatas

497

Manila, Philippines – Naniniwala si Bases and Conversion Development Authority (BCDA) at CEO Vince Dizon na ikatutuwa ng ehekutibo sakali mang lumusot sa Kongreso ang House bill 5456.

Ito ay ang panukalang mabigyan ng special powers si Pangulong Rodrigo Duterte na ang layunin ay  mapabilis ang implementasyon ng Build, Build, Build Program ng pamahalaan.


Sinabi ni Dizon na bagaman at  hindi na ito hinihingi pa ng chief executive, kumbinsido aniya siyang iwe- welcome ng Pangulong Duterte kapag pumasa ang inihaing panukala ni Congressman Salceda.

Matatandaang unang SONA pa lamang ni Pangulong Duterte ay hiniling na ang emergency powers sa Kongreso pero hindi naman ito pinagbigyan.

Facebook Comments

From Advertisers