Manila, Philippines – Itinaas na ng Philippine Coast Guard ngayong darating na Undas sa heighten alert status upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero luluwas sa mga pantalan at uuwi sa kani- kanilang mga Probinsiya para gunitain ang All Saints’ Day at All Souls’ Day .
Ayon kay PCG Spokesman Capt Armand Balilo ina- activate na Philippine Coast Guard ang Oplan Biyaheng Ayos mula 26 ng October hanggang 6 November 2017 para matiyak na maayos ang operation sa karagatan at ligtas na maglalakbay ang publiko.
Paliwanag ni Balilo na maglalagay sila ng Passengers Assistance Center booths sa mga pantalan sa buong bansa sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.
Dagdag pa ni Balilo na ang PACs ay pamumunuan ng PCG, Department of Transportation, Philippine Ports Authority, Maritime Industry Authority, at iba pang ahensiya ng gobyerno.
Umapela si Captain Balilo sa mga pasahero na makipag-ugnayan sa PCG sakaling mayroon silang napapansin na may kahina-hinalang pagkilos dahil ang Philippine Coast Guard ay magpapatupad ng mahigpit na seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.