Back to back Governor’s Cup title, target ng Barangay Ginebra

Sports – Inaasahan na tatapusin na ng defending champion Barangay Ginebra ang Meralco Bolts sa kanilang paghaharap sa Game 6 ng best of seven finals series ng 2017 Governors Cup sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Gin Kings para makuha ang kanilang ikalawang sunod na Governor’s Cup title matapos talunin ang Bolts, 85-74 noong Linggo.

Sa kabila nito, inaasahan ni Ginebra head coach Tim Cone na hindi basta bibigay ang Meralco at nais nilang madala ang serye sa winner take all game 7.


Para magawa ito ng Bolts dapat tumulong ang mga local player sa kanilang import na si Allen Durham.

Facebook Comments