Nagpakalat ang Philippine Coast Guard (PCG) ng K-9 units kaugnay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Black Nazarene sa Quiapo, Maynila ngayong araw.
Ayon kay Coast Guard Spokesman Commodore Arman Balilo, layon nito na matiyak ang seguridad ng mga debotong dumagsa sa Traslacion.
Bukod sa bomb sniffing dogs ng PCG, naka-deploy rin sa lugar ang deployable response groups ng Coast Guard bilang augmentation force.
Nanawagan din ang PCG sa mga kabataan at ilang deboto na iwasan ang pagtalon mula sa mga tulay sa Ilog Pasig patungo sa Quiapo Church.
Naka-deploy rin ngayon ang rescue team at medical personnel ng PCG sa paligid ng Quiapo gayundin ang kanilang mga ambulansya, rubber boats at aluminum hull boats sa Ilog Pasig.
Facebook Comments