PCG, nagsagawa na ng force evacuation sa mga residente ng Biri, Northern Samar dahil sa matinding pagbaha

Nagsagawa na ng force evacuation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga residente ng Biri, Northern Samar na apektado ng matinding pagbaha dahil sa masamang panahon.

Pinangunahan ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Biri ang paglikas sa mga residente ng Brgy. Poblacion at Brgy. Progress na lubhang apektado ng pagbaha.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga awtoridad ang eksaktong bilang ng mga indibidwal o kabahayan na sumailalim sa force evacuation.


Nagsagawa rin ng rescue operations ang PCG sa Catarman, Northern Samar dahil sa pagbaha.

Sa pinakahuling ulat, tatlong pamilya na ang na-rescue at nananatili sa Catarman evacuation center.

Patuloy naman ang pagresponde ng PCG sa mga indibidwal na apektado ng shearline and low-pressure area.

Facebook Comments