PCG, naka-heightened alert status na simula sa Linggo dahil sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa mga pantalan

Magpapatupad na ng heightened alert status ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga susunod na araw bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng mga pasaherong bibiyaheng probinsya ngayong Semana Santa.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan, inatasan na ang lahat ng kanilang units na siguraduhing ligtas at maayos ang biyahe ngayong Holy Week.

Nasa heightened alert status ang PCG districts stations at sub-stations mula April 13 hanggang April 20.

Ipinag-utos din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na makipagtulungan ang PCG sa Department of Transportation Maritime Sector para sa zero maritime casualty.

Imo-monitor ng PCG ang mga nautical highways kabilang na ang inter-island routes habang maghihigpit din ng seguridad at pag-iinspeksiyon ng mga sasakyang pandagat.

Batay sa PCG Command Center, nasa 1.65 milion ang mga pasaherong dumagsa sa mga pantalan sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong nakaraang taon.

Facebook Comments