Dahil sa Bagyong Rolly ay nakapatala na ang Philippine Coast Guard o PCG Command Center ng 1,012 stranded sa mga pantalan sa Rehiyon ng Bicol kung saan naantala ang pagbiyahe ng 33 vessels, 3 motorbancas at 416 rolling cargoes.
Kinabibilangan ito ng mga pantalan ng Pioduran, Legazpi, Bacacay, Rapu-Rapu, Tabaco, Pasacao, Masbate, San Jacinto, San Pascual, Cataingan, Aroroy, Matnog at Pilar.
Umaabot naman sa 348 katao ang naitala ng PCG Command Center na stranded sa mga pantalan ng Eastern Visayas, kung saan naunsiyami rin ang pagbiyahe ng 101 rolling cargoes.
Kinabibilangan ito ng mga pantalan ng Sta. Clara, Balwartico at Dapdap.
Sa impormasyong inilabas ng PCG Command Center, sa Bicol Region ay maayos pa ang sitwasyon sa karagatan na may kaunting pag-alon na may kasamang malakas na hangin.
Maayos din ang kondisyon ng karagatan sa Easter Visayas habang nakakaranas ng pag-ulan.