Umaabot sa 16,392 ang bilang ng mga pasahero na dumagsa sa mga pantalan sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 8,087 ang naitalang outbound passengers habang nasa 8,305 naman ang inbound passengers.
Ito’y sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2022 ng PCG katuwang ang Department of Transportation (DOTr).
Nasa 2,431 frontline personnel ang itinalaga sa 15 Distrito ng PCG kung saan 116 vessels at 35 motorbancas ang kanilang nainspeksyon.
Matatandaan na hanggang bukas, April 18, 2022 ay nananatiling naka-heightened alert ang lahat ng districts, stations, at sub-stations ng PCG para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong Semana Santa.
Hinihimok din ng PCG ang mga pasahero na maaari silang makipag-ugnayan sa pamamagitan ng kanilang official Facebook page o kaya ay tumawag sa Coast Guard Public Affairs sa numerong 0927-560-7729 para ibang katanungan at impormasyon.