TOP MOST WANTED PERSON SA BAYAN NG TUMAUINI, ARESTADO SA CHECKPOINT

Cauayan City, Isabela- Bagsak na sa Kulungan ang isang magsasaka na top most wanted person matapos maaresto sa COMELEC Checkpoint ng Brgy. Lingaling, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang akusado na si alias “Juan”, Top 3 Most Wanted Person ng bayan ng Tumauini, 22-anyos, at residente ng Brgy. Malamag West ng nasabing bayan.

Nadakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng mga operatiba dahil sa kasong rape o panggagahasa.

Bago ang pagkakahuli ng akusado, isang concerned citizen ang nagtimbre sa mga pulis na nakita ang suspek na nagmamaneho ng motorsiklo na walang plaka at patungong Lungsod ng Ilagan.

Agad namang inalerto ang mga nakabantay sa checkpoint na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek.

Nasa kustodiya ng PNP Tumauini ang suspek at inihahanda na ang mga nararapat na dokumentasyon bago i iturn-over ito sa korte.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa panandaliang Kalayaan ng akusado.

Facebook Comments