Nakipag-ugnayan na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Meta upang marekober ang kanilang Facebok (FB) page na na-hack kahapon.
Sa pahayag ng PCG, una na silang kumokunsulta sa Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group para malaman kung paano napasok ang kanilang online security breach.
Ayon kay PCG Spokesperson, Rear Admiral Armando Balilo, nagpasa na rin ang Coast Guard Public Affairs (CGPAS) ng ibang detalye upang mabawi nila ang kanilang FB page.
Aniya, makikipag-usap din ang Coast Guard Public Affairs sa Coast Guard Weapons, Communications, Electronics, and Information System Command (CGWEIS) para magsagawa ng backend operations para marekober ang na-hack na FB page.
Matatandaan na nitong nakaraang Linggo ay unang na-hack ang X account ng PCG pero kalaunan ay narekober nila ito mula sa mga hackers.