PCG NCR-Central Luzon, naka-heightened alert simula Enero 7 para sa Pista ng Itim na Nazareno

Naka-heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) District National Capital Region-Central Luzon (NCR-CL) mula January 7 hanggang 9 para magsagawa ng maritime safety and maritime security operations sa Manila Bay at Pasig River.

Ito ay sa gitna ng pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno.

Tututukan dito ang mga katubigang sakop ng Jones Bridge, MacArthur Bridge, Quezon Bridge, at Ayala Bridge, gayundin ang likod na bahagi ng Quirino Grandstand.


Nasa 10 floating asset ang ipakakalat ng coast guard para labanan ang anumang banta sa kaligtasan ng mga deboto.

Bukod sa mahigpit na pagpapatrolya, magsasagawa rin ng underwater inspection sa mga nabanggit na katubigan.

Magpapakalat din ng daan-daang Coast Guard security personnel, medical team, K9 unit, at Explosive Ordnance Disposal (EOD) specialist sa mga kritikal na lugar sa Maynila.

Facebook Comments