Anggulong sabotahe sa nangyaring technical glitch sa air tower noong Bagong Taon, sinisilip

Inamin ni Transportation Secretary Jaime Bautista na hindi nila isinasantabi ang anggulong sabotahe sa nangyaring aberya sa air navigation facility noong Bagong Taon.

Tumanggi naman si Bautista na magbigay ng karagdagang detalye hinggil dito.

Sa halip, sinabi ng kalihim na haharap na lamang sila sa pagdinig ng Senado.


Sa ngayon kasi limang resolusyon ang nakahain sa Senado para sa imbestigasyon.

Tiniyak naman ni Bautista na tuloy-tuloy na ang normal na operasyon ng flights sa mga paliparan.

Facebook Comments