HIGIT P1-M HALAGA NG EDUCATIONAL ASSISTANCE, NAIPAMAHAGI SA REGION 2

22
Cauayan City, Isabela- Umabot sa mahigit isang milyong piso ng Educational Assistance grant ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2 sa mga benepisyaryo mula sa iba’t-ibang probinsya sa Lambak ng Cagayan sa loob lamang ng isang araw.

Sa probinsya ng Batanes, nasa kabuuang dalawamput limang benepisyaryo mula sa bayan ng Sabtang ang tumanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga naman ng kabuuang P53,000.

Isangdaang katao naman ang natulungan ng nasabing programa sa bayan ng Sta Fe, Nueva Vizcaya katumbas ng kabuuang halagang P192,000.

Tinatayang nasa 1,073 benepisyaryo naman sa City of Ilagan, Isabela ang nabahagian ng nasabing ahensya na may total disbursement na P3,051,000.00.

Nakapagbigay din ang Kagawaran ng P85,000 na halaga ng Educational Assistance sa bayan ng Jones, Isabela.

Asahan naman sa mga susunod na araw ang schedule at venue ng muling pamamahagi ng naturang ayuda sa iba’t-ibang probinsya sa Lambak ng Cagayan.

Facebook Comments