Patuloy na inililikas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga kabataang na-trap sa kani-kanilang tahanan dahil sa walang tigil na pag-ulan sa Zamboanga City ngayong araw.
Kasalukuyang isinasagawa ang rescue operations sa kasagsagan ng abot-dibdib na tubig baha sa lugar.
Ayon sa PCG District Southwestern Mindanao, nag-deploy na rin sila ng mga rescue teams sa iba’t ibang barangay sa lugar para tulungan ang pamilyang apektado ng baha.
Samantala, patuloy ring binabantayan ng PCG Station Isabela ang mga pamilyang nalubog sa baha sa Barangay Baluno, Isabela City, Basilan.
Nakaantabay na rin ang iba’t ibang response group ng pamahalaan.
Facebook Comments