DOH, nakapagtala ng 128 na bagong kaso ng Omicron subvariant ng COVID-19

Nakapagtala ang Pilipinas ng bagong 128 na kaso ng Omicron subvariant ng COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH), 52 dito ay natukoy bilang BA.2.3.20, isang kaso naman ang BN.1, 10 ang BA.5, 28 ang XBB, 13 ang XBC, at 24 ang iba pang Omicron subvariants.

Kabilang din sa mga bagong kaso ng BA.5 ay ang tatlong kaso ng BF.7 at isang BQ.1.


Ang resultang ito ay natukoy batay sa pinakahuling genome sequencing noong January 3 hanggang 9.

Facebook Comments