Patuloy na inaalalayan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang libu-libong locally stranded individuals (LSIs) na nananatili sa Rizal Memorial Stadium habang hinihintay ang kani-kanilang biyahe pauwi ng probinsya.
Kaugnay nito, naglalaan ang PCG ng walong bus, apat na escort vehicle at isang truck kung saan nag-deploy din ito ng 25 medical technologist para magsagawa ng rapid test sa mga LSI.
Bukod dito, isinasailalim na rin nila sa swab test ang mga LSI na nagpositibo sa rapid test kasama ang kanilang pamilya.
Nakahanda na rin ang BRP Gabriela Silang at dalawa pang multi-role response vessel ng PCG para maghatid ng mga LSI sa Visayas at Mindanao.
Ang mga nasabing hakbang ng PCG ay bahagi ng ‘Hatid Tulong Program’ ng pamahalaan para ligtas na mapauwi ang mga LSI na nasa Maynila sa kasagsagan ng pandemya