PCG, pinayuhan ang mga pasahero sa pier sa Maynila na agahan ang pagpunta upang hindi maipit sa Traslacion

Muling ipinaalala ng Philippine Coast Guard (PCG) na agahan na ang pagpunta sa pier sa Maynila bukas upang hindi maabala sa trapiko sa Pista ng Itim na Nazareno.

Sa interview ng RMN Manila kay Commander Armand Balilo, maaga na magpunta at maghanap na din ng alternatibong daan upang makarating agad sa takdang biyahe pagdating sa pantalan.

Iginiit pa ni Balilo na hindi naman apektado ng Traslacion ang mga biyahe sa pier pero nag-deploy pa din sila ng mga tauhan sa Manila Bay at Pasig River para magbantay sa oras ng Traslacion.


Dagdag pa ni Balilo, aabot sa mahigit 300 personnel ang kanilang ipinakalat bukod pa sa mahigit 30 na floating assets o mga gamit para sa pagbabantay habang nasa ilog o dagat.

Facebook Comments