DOH, naka-code white alert status na para sa Traslacion; Mga debotong may karamdaman, pinayuhang huwag nang sumama

Manila, Philippines – Naka-preposition na ang team ng Department of Health (DOH) na tutugon para sa mga pangangailangang pang-medikal ng mga deboto ng Itim na Nazareno.

Sa interview ng RMN Manila kay Health Secretary Francisco Duque III, labing apat na medical team ang naka-deploy na ngayon sa mga lugar kung saan dadaan ang andas.

Itinaas na rin aniya sa code white alert status ang mga ospital sa Metro Manila upang umagapay sa mga deboto.


Kasabay nito, nanawagan si Duque sa mga deboto partikular sa mga may mga karamdaman ay huwag ng sumali sa Traslacion upang hindi mailagay sa alanganin ang kanilang sarili.

Facebook Comments