PCG sa Iloilo, hinigpitan ang pagbabantay ng pantalan kasunod ng bomb threat sa lugar

Manila, Philippines – Pinaigting ngayon ang pagbabantay ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard kasunod ng pagrekober ng paper bag kahapon na hinihinalang bomba sa Iloilo.

Itinurn over na sa Coast Guard Sub-Station Estancia ang paper bag matapos ireport sa kapitan ng barko na si Marlou Mortel lulan ng Motor banca M-Star II na ang paper bag mula sa hindi kilalang pasehero na ibababa sa Estancia Freeport sa Iloilo.

Base sa imbestigasyon ng PCG na ang hindi kilalang pasahero na may dala ng bag na ibinigay naman kay Jefferson Lupangco, isa sa miyembro ng crew ng Mbca M-Star II at sinabihan siya na ibigay sa kapitan ng barko kung saan kilala umano nito si Mr. Mortel.


Ang paper bag ay nakabalot at nakapangalan kay Boboy Nojalda at may nakasulat na “DO NOT OPEN PLEASE, MY BOMBA!”

Agad na nakipag-ugnay ang Estancia Personnel sa Philippine Ports Authority (PPA) PNP Estancia, PNP Explosives Ordinance Detection (EOD) at Philippine Army K-9 para magsagawa ng inspection sa naturang paper bag na may lamang palang 5 units ng cellular phone na dadalhin sana sa Masbate.

Pinayuhan ng Coast Guard ang PPA personnel na pansamantala munang suspendihin operasyon ng terminal operations para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero matapos matuklasan mga cellphone
pala ang laman ng naturang paper bag.

Facebook Comments