PCG: Stranded na sasakyang pandagat sa mga pantalan, nasa 17 na lamang

Bumaba na sa 17 ang bilang ng mga stranded na sasakyang pandagat ngayon sa mga pantalan sa bansa.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong tanghali, nasa sa 16 na vessels at isang motorbanca na lamang ang stranded.

Ang mga ito ay kasalukuyang nasa Southern Tagalog Ports, partikular sa:


– Brgy. Tilik Port
– Balanacan Port
– Cotta Port
– San Andres Port
– Romblon Port
– Cajidiocan Port
– Looc Port
– San Agustin Port
– Real Port
– Patnanungan/Jomalig Port
– Dinahican Port
– Polilio Port

Samantala, patuloy naman ang pagtulong ng Coast Guard District North Western Luzon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang katuwang na ahensya para mapabilis ang paghahatid ng kinakailangang tulong sa iba’t ibang munisipalidad at probinsya sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, nasa halos 900 family food packs na ang naipamahagi sa mga residenteng apekto ng nagdaang Bagyong Egay sa Santa Catalina, at Ilocos Sur.

Facebook Comments