Manila, Philippines – Dalawang taon pa bago tuluyang ma-abolish ang Presidential Commission on Good Government.
Ayon kay Justice Secreatry Vitaliano Aguirre II, mahigit 200-Billion pesos pang mga nabawing yaman ang hawak ng PCGG kaya hindi ito maaaring basta-basta buwagin.
Plano rin ni Aguirre na hilingin kay Pangulong Duterte na ikonsidera ang PCGG bilang alternatibong anti-graft body sakaling matuloy man ang pagtatatag ng Anti-Graft Commission.
Sa kabilang dako, tiniyak ni Aguirre na suportado nila ang plano ng Pangulo na pagtatatag ng Anti-Graft Commission na magiging kapalit ng PCGG.
Facebook Comments