Inihain ni Manila Rep. Bienvenido Abante ang House Bill 4331 na nagsusulong ng pagbuwag sa Presidential Commission on Good Government o PCGG sang-ayon sa isinusulong na “rightsizing” ng gobyerno para makatipid.
Nakasaad sa panukala ni Abante na ang PCGG ay itinatag ni dating Pangulong Corazon Aquino para mabawi ang “resources” at iba pa na umano’y kinolekta ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., kaniyang pamilya, at “cronies” sa loob at labas ng bansa.
Pero giit ni Abante, makalipas ang higit 36-taon ay wala pa itong maituturing na “significant accomplishment” at bigo rin itong ma-establish kung ang “sequestered assets” ay “ill-gotten wealth” ba o hindi.
Sa ilalim ng panukala ni Abante, lahat ng sequestered na real at personal assets o properties maging ang mga dokumento, kontrata, rekords na nasa ilalim ng PCGG ay pahahawakan na sa privatization office ng Department of Finance (DOF).