PCIC, inihahanda na ang ₱1.01 billion bilang bayad pinsala sa mga insured farmer na naapektuhan ng paghagupit nina Bagyong Quinta at Rolly

Inihahanda na ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang ₱1.01-B na insurance claims para sa kumpensasyon ng mga insured farmers na nagtamo ng pinsala sa kanilang mga pananim dahil sa Bagyong Quinta at Rolly.

Ayon kay PCIC President Jovy Bernabe, abot sa 77,471 ang insured farmers at fisherfolk na apektado ng mga bagyo.

Naitala ng PCIC sa ₱668.97 million ang halaga ng nasirang high value crops.


Umabot naman sa ₱285.04 million ang damage sa palay at ₱6.15 million naman sa produksyong mais.

Naitala naman sa ₱37,73 million ang pinsala sa poultry at livestock.

Habang ₱37.73 million naman sa pangisdaan.

Kabilang sa mga rehiyon na matinding nawasak ang agrikultura ay ang Bicol Region na may ₱637.53 million total damage.

Sinusundan ng MIMAROPA – ₱150.46 million, CALABARZON – ₱97.38 million, Central Luzon at Cagayan Valley – ₱52.65 million at ₱75.25 million.

Pinamamadali na ni Agriculture Secretary William Dar sa regional offices ng PCIC ang pagproseso sa insurance adjustment at ng settlement ng mga claims.

Facebook Comments