Nagbabala ang Malacañang sa publiko laban sa kumakalat na fake news na namimigay raw ng P5,000 at bigas ang Presidential Action Center.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), hindi mandato ng Presidential Action Center (PACe) ang mamigay ng pera.
Bukod dito, wala rin ganitong uri ng programa ang nabanggit na tanggapan.
Nabatid ma unang ninagsa ng maraming tao ang PACe nitong nakalipas na araw matapos kumalat ang balitang namimigay ng pera at bigas.
Ang PACe ay nasa loob ng Malacañang complex at ilan sa mga nagtungo dito qy galing sa ibang mga lugar na nagbabakasakaling mabigyan sila ng ayuda.
Hinikayat naman ng PCO ang publiko na kapag may natanggap na ganitong impormasyon ay agad na alamin o kaya ay mag-email sa pace@op.gov.ph upang mapigilan ang pagkalat ng maling impormasyon.
Panawagan pa ng PCO sa publiko na tumulong at sumuport upang malabanan ang pagkalat ng fake news.