DATING PRESIDENTE MARCOS, INALALA ANG KAARAWAN SA ILOCOS NORTE

iFM News – Inalala ng Pamilya Marcos at mga opisyales ng Ilocos Norte ang kaarawan ni dating Presidente Ferdinand Edralin Marcos, Sr. sa Ilocos Norte.
Pinangunahan ito ni Pangulong Bongbong Marcos kasama si First Lady Liza Araneta Marcos, Senator Imee Marcos, Congressman Sandro Marcos, Congressman Angelo Marcos na pinsan buo ng pangulo at iba pang miyembro ng Pamilya.
Magkakaroon ng banal na misa sa Bayan ng Sarrat kung saan ipinanganak ang dating pangulo kasunod naman ang wreath laying ceremony sa Batac City kung saan naninirahan ng matagal ang pamilya Marcos.

Ginawan naman ng Rice Paddy ng Mariano Marcos State University si Pangulong Bongbong Marcos – makikita ang larawan nito na nakangiti sa palayan. Ito na ang ika – 106 na taong anibersaryo ng kapanganakan ni dating pangulong Ferdinand Edralin Marcos, Sr. at Holiday ngayon sa buong lalawigan ng Ilocos Norte. – Bernard Ver, RMN News
Facebook Comments