MANILA – Itinuturing ng Malacañang na inspirasyon ang pagbaba ng bilang ng mga pamilyang pinoy na nagsasabing nabiktima sila ng ibat ibang krimen sa bansa, batay sa latest survey ng Social Weather Station.Sa live interview ng RMN kay Presidential Communication Office Sec. Martin Andanar – sinabi nito na ang resulta ng sulvey ay nagpapakita lang na epektibo ang kampanya ng Duterte administration kontra droga.Batay sa SWS survey nitong huling kwarter ng 2016 – bumaba ng 1.9 percent o nasa 4.9 percent na lamang ang nagsabing nabiktima sila ng krimen mula sa 6.8 percent na naitala sa 3rdquarter.Kasabay nito, nilinaw ni Andanar na hindi inihinto ang war on drugs ng gobyerno, kundi inilipat lang ito sa pamumuno ng PDEA.Nabatid na ang pag-alis ng Pangulong Rodrigo Duterte sa operasyon ng iligal na droga sa PNP ay kasunod ng nangyaring pagpatay sa Korean national na si Jee Ick Joo.
Pco Sec. Andanar – Nilinaw Na Hindi Itinigil Ang War On Drugs Ng Duterte Administration
Facebook Comments