PCO Sec. Jay Ruiz, naniniwalang may nagtatangkang paalisin siya sa pwesto

Naniniwala si Presidential Communications Acting Secretary Jay Ruiz na isang demolition job laban sa kaniya ang pinakalat na issue sa PCSO deal.

Ayon kay Ruiz, isang linggo pa lamang siya sa pwesto pero tila gusto na agad siyang paalisin.

Hindi naman niya ginusto ang posisyong ito at biglaan aniya ang lahat dahil sa kagustuhang makatulong sa administrasyon para labanan ang fake news.

Pero hindi aniya akalain na siya mismo ang mabibiktima ng fake news.

Aminado si Ruiz na ikinonsidera niyang maghain ng kaso sa mga nagpakalat ng fake news laban sa kaniya pero nagbago ang kaniyang isip dahil baka lalo lamang siyang mawalan ng tutok sa trabaho.

Nanindigan din itong lilinisin niya ang PCO para mawala na ang mga nangyayaring siraan at intrigahan sa loob ng ahensya.

Facebook Comments