Lalaking wanted sa kasong murder at attempted homicide, arestado ng SPD

Manila, Philippines – Arestado ng Southern Police District (SPD) ang lalaking tinaguriang number 1 most wanted sa kasong murder at attempted homicide sa barangay San Isidro, Paranaque City, kamalakawa ng gabi.
Ang suspek ay nakilalang si Johnven Arnaiz y Dagon, 39 anyos at residente ng J Estrada St., West Service Road, Barangay Bf Homes ng nasabing lungsod.
Sa binigay na detalye ng informant sa mga pulis namataan ang suspek sa tirahan nito bandang alas-8 ng gabi.
Dahil sa inpormasyong ibinigay ng informant ay agad na ikinasa ng SPD ang kanilang operasyon para hulihin ang suspek at narekober ng mga ito kay Johnven ang isang kalibre-45 baril at isang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia

Facebook Comments