Handa si Criminal Investigation and Detection Group- National Capital Region (CIDG-NCR) Chief Police Col. Hansel Marantan at kanyang mga tauhan na humarap sa imbestigasyon.
Ito ay makaraan silang alisin sa pwesto ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., dahil sa reklamong ‘Hulidap.’
Ayon kay Marantan, hindi pa niya natatanggap ang kopya ng affidavit pero pinauubaya na nito sa liderato ng PNP ang imbestigasyon.
Naniniwala rin ito na dapat panagutin ang sinumang kawani ng Pambansang Pulisya na mapapatunayang may nilabag na batas.
Posibleng maharap si Marantan at 12 pulis na nakatalaga sa CIDG-NCR ng kasong robbery dahil sa pagkuha ng mga ito ng mga mamahaling relo, bag, pera at alahas ng mga Chinese nationals na kanilang hinuli sa isang raid sa Parañaque City kamakailan.
Maliban dito ay posibleng maharap din ang mga ito sa kidnap for ransom dahil sa alegasyon na bago pakawalan ang mga Chinese ay nanghingi pa umano ang mga ito ng pera.