PNP, may impormasyong nasa Cambodia si Cong. Teves

Mahigpit na binabantayan ngayon ng binuong Task Force Degamo ang galaw ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnulfo “Arnie” Teves Jr.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., na kabilang sa nasabing task force.

Aniya, patuloy nilang beneberipika ang impormasyong nasa Cambodia umano si Cong. Teves.


Ani Azurin, nakikipagtulungan sila sa International Police o InterPol upang matunton ang nagtatagong mambabatas.

Gayunman, sinabi ni Azurin na kung magmamatigas pa ring umuwi ng bansa si Teves ay kanilang aalamin kung mayroon bang sapat na dahilan para humiling sa Department of Justice na magsagawa ng request sa InterPol na maglabas ng Blue Notice.

Nakadepende aniya ito sa sitwasyon at posible pang umabot ito sa pagpapalabas ng Red Notice sakaling maisampa na ang kaso laban kay Cong. Teves.

Facebook Comments