PCOO, nagpaabot ng pagbati ngayong holiday season

Nagpaabot ng pagbati ngayong Pasko ang Presidential Communications Operations Office.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar ito ang pinakahihintay nating araw sa isang taon kung saan ang magkakamag-anak, magkakaibigan at iba pang mahal sa buhay ay nagsasama-sama para ipagdiwang ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo.

Panahon kung kailan tayo dapat magnilay-nilay at isabuhay ang mga turo ng Panginoon mula sa Bibliya.


Umaasa ang PCOO na paiiralin ng lahat ngayong Christmas season ang humility, compassion, at kindness na itinuro sa atin ng Panginoon.

Ngayon din aniya ang tamang panahon upang ibahagi natin sa ating mga less fortunate na mga kababayan ang natamo nating blessings sa isang buong taon.

Kasunod nito muling bumabati ng Maligayang Pasko ang PCOO hindi lamang sa mga Filipino na nasa bansa maging sa mga kababayan natin na nasa ibayong dagat.

Facebook Comments