Top 3 Most Wanted Municipal Level, Arestado!

79

Cauayan City, Isabela- Nadakip na ng mga otoridad ang Top 3 Most Wanted person sa bayan ng Echague, Isabela.

Nadakip pasado bandang 1:55 ngayong hapon sa Brgy. Annafunan, Echague, Isabela ang akusado na si Danilo Geron, 26 anyos, walang asawa, construction worker at residente ng Brgy. Caniguing ng nasabing bayan.


Si Geron ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (VAWC) na may kaukulang piyansa na P72,000.00.

Ang akusado ay nahaharap din kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act kung saan ay nasa halagang P180,000.00 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa himpilan ng PNP Echague ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments