PCOO Sec. Andanar, pinabulaanan na ginagawang tapusan ng iskalawag na pulis ang Mindanao

General Santos City———- Pinabulaanan ni Presidential Communication and Operations Office Secretary Martin Andanar na ginagawang tapunan ng mga iskalawag na pulis ang Mindanao.

Ayon sa kalihim na ang desisyon ni Presidente Rodrigo Duterte na pag-reinstate kay Police Superintendent Marvin Marcos at pagdestino nito bilang bagong head ng Criminal Investigation and Detection Group 12 ay basi na rin sa desisyon ng legal team na binubuo ng Presidente mismo, Department of Justice at maging ang rekomendasyon ng Philippine National Police.

Dagdag pa ni Secretary Andanar na sa paglipat ni Supt. marcos sa Mindanao, hindi na dapat pang gawing basihan ang kanyang kinakaharap na kaso kundi ang mamahimong performance nito bilang bagong head ng nasabing ahensya.


Paglilinaw niya nga nasa likod ni Supt. marcos ang Presidente kahit pa man sa nga kontrobersiyang kinaharap nito matapos mapatay sa loob ng bilangguan si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Malaki rin ang paniniwala ni Sec. Andanar na magagampanan ni Marcos ang kanyang trabaho dito sa rehiyon 12 kung asa direkta umano itong may pananagutan kay PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa atmaging sa taumabayan.

Dagdag pa rito, sinabi rin ni Andanar na ang Mindanao ay para sa mga future leader ng bansa “*I believe that Mindanao is the land for future leaders of our country. In the matter of fact, it toughens our future leader and majority of the AFP Chief gikan diri’s Mindanao, General Bato is from Mindanao, the President is from Mindanao. Let us not degrade ourselves na komo Mindanaoan ta, ginahimo nalang ta’ng labayanan ug mga reject gikan sa ubang lugar.”* (ang Mindanao ay lupa para sa mga future leader ng bansa, kung tutuusin, mas pinapatibay nito at nagiging matapng ang sino mang madesitno sa Mindanao at halos lahat ng naging AFP Chief ay galing sa Mindanao. Maging si General dela Rosa at President Duterte ay galing sa Mindanao. Huwag nating maliitin ang ating mga sarili at isiping ginagawa tayong tapunuan ng mga pulis.”)

Facebook Comments