PCR ng PNP Cauayan City, Tinanghal Bilang Best Outstanding City Police Station sa Rehiyon Dos!

*Cauayan City, Isabela- *Kinilala ng Police Regional Office 2 (PRO2) bilang Best Outstanding City Police Unit sa larangan ng Police Community Relations o PCR ng PNP Cauayan City dito sa Rehiyon dos.

Batay sa panayam ng RMN Cauayan Kay Police Senior Inspector Esem Galiza, ang Police Community Relation Officer ng PNP Cauayan City na bukod sa pagkilala ng PRO2 ay pinarangalan din ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang PCR ng PNP Cauayan City.

Aniya, nakamit umano nila ang naturang parangal dahil umano sa kanilang mga nagawang accomplishments dito sa Lungsod ng Cauayan.


Isa rin umano sa kanilang nagging bentaa na maaaring naging dahilan ng kanilang pagkilala ay ang kanilang magandang pakikitungo sa komunidad maging sa mga mamamahayag.

Samantala, Malaki naman ang kanilang suporta na ipatupad ang No Helmet, No Driving Policy sa Lungsod ng Cauayan para na rin sa seguridad ng mga motorista dahil sa dumadaming kaso ng mga aksidente sa mga lansangan.

Facebook Comments