Pangulong Duterte, Sinaksihan ang Pagwasak sa mga Smuggled na Sasakyan sa Sta. Ana, Cagayan!

*Cagayan- *Naging abala ang PNP Cagayan dahil sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte upang saksihan ang pagwasak sa mga smuggled car o mamahaling sasakyan sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Provincial Director PSSUPT. Warren Tolito ng PNP Cagayan at nanawagan ang Pangulo sa mga Cagayano na huwag umanib sa mga New People’s Army o NPA.

Hinimok naman ng Pangulo ang mga NPA na sumuko na lamang at makiisa sa mga programa ng pamahalaan.


Nangako rin umano ang Pangulo sa kanyang naging talumpati na mabibigyan ng bahay at tulong pinansyal ang mga susukong NPA.

Ayon pa kay PD Tolito na mahigpit umano ang kanilang naging koordinasyon sa 17th IB at ibang hanay ng PNP maging sa Marine Battalion Landing Team-8 upang mabigyan ng seguridad ang Pagdating ng Pangulo maging sa lahat ng kanilang mga isinasagawang aktibidad sa kanilang nasasakupan.

Nagpapasalamat naman si PD Tolito sa mga Cagayano dahil sa ipinakitang suporta sa pagdating at pagbisita ng Pangulo.

Facebook Comments