Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office na mahigit limang daang libo ang nabigyan ng trabaho ng ahensya sa pamamagitan ng Small Town Lottery o STL.
Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan umaabot sa 550 libo ang nagtatrabaho ngayon mula sa pinalawak na operasyon ng STL sa bansa.
Paliwanag ni Balutan na ilan sa mga nabigyan ng trabaho ay nagmula pa sa iligal na sugal gaya ng Jueteng pero lumipat sila sa STL kung saan ay malayang makakapag-hanapbuhay ng hindi na kailangan pang magtago sa pulisya.
Giit pa ni Balutan nakalikom ang PCSO ng labing anim na bilyong piso mula sa kita ng ibat-ibang produktong laro kung saan mataas pa umano ng 32.29 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.