PCSO Isabela Office, Pormal nang binuksan ang operasyon ng Lotto!

192

*Cauayan City, Isabela-* Pormal nang binuksan sa publiko sa Lungsod ng Cauayan ang operasyon sa pagtaya sa Lotto at ilang Gaming Scheme sa ilalim ng Philippine Charity Sweepstake Office o PCSO Isabela Provincial Office ngayong araw.

Kasabay ito ng kautusan ni Pangulong Duterte na ibalik ang operasyon sa pagtaya ng Lotto at gaming scheme.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Yamashita Japinan, General Manager ng PCSO Isabela, paglilinaw niya na tanging lotto at keno lang sa ngayon ang balik operasyon ngunit hinihintay pa ng kanyang tanggapan ang pinal na kautusan mula sa national head office ng PCSO.

Ayon pa kay Japinan, may 81 na Lotto Outlet ang operational sa buong Isabela.

Dagdag pa nito na hindi kasama ang operasyon ng Small Town Lottery o STL na karaniwang tinatayaan ng mga tao.

Sa ngayon ay patuloy ang pagdagsa ng mga taong nais humingi ng tulong pinansyal sa nasabing tanggapan




Facebook Comments