PCSO magsasagawa ng kauna-unahang presscon para sa taong  2020

Ibibida ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang accomplishment o nagawa noong nakaraang taong 2019 at mga gagawin pa sa taong kasalukuyan.

Magsasagawa ng kauna-unahang Press Conference sa darating na February 4, 2020 araw ng Martes ganap na alas 10:00 AM mismo sa PCSO Conservatory Building,Shaw Boulevard, Mandaluyong City upang ipabatid sa publiko ang kanilang 2019 annual report, at mga gagawing mga programa o direction para sa taong  2020.

Bukod sa mga nagawa noong nakaraang taong 2019 ng ahensiya tatalakayin din sa gagawing dayalogo ang mga importanteng isyu kung papaano matutugunan ng PCSO ang mga mahahalagang usapin.


Tatalakayin sa naturang press conference ang mga naitulong ng PCSO sa mga nabiktima ng pag-alburuto ng Bulkang Taal at mga naiaambag na tulong ng ahensiya sa mga dumudulog sa kanilang tanggapan.

Facebook Comments