Retired Soldier saPamplona, CamSur, Arestado, Maraming Armas, Nakumpiska

Inaresto ng pulisya ang isang residente sa isang barangay sa bayan ng Pamplona, Camarines Sur. Dahil sa pagkakaroon nito ng maraming iba’t-ibang uri ng armas at mga bala.
Ang operasyon ng pulisya ay isinagawa base sa search warrant na inisyu ng korte at isinagawa ang operasyon kamakalawa ng hapon bandang ala una y media.
Nakumpiska mula sa possession ng suspect ang iba’t-ibang uri ng armas na kinabibilangan ng mga shotgun, caliber 45, 38, 25 revolver, live ammunition at magazine assemblies.
Ang suspect ay kinilalang si Edgar Pedido y Sabalboro, edad 59, at isa umanong retiradong sundalo ng Philippine Army.
Nahaharap ngayon ang suspect sa kasong Republic Act 10591.
Ang pag-raid ay isinagawa ng mga kawani ng pulisya kasama ang CIDG-CamSur.
photos are for rep purposes only, not the real items

Facebook Comments