PCSO, nagbigay ng higit P67 million sa iba’t ibang bahagi ng ahensya ng pamahalaan

Pinangunahan ni Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Marzan Garma ang pag-turn-over ng magit P67 milyong sa ilang ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Garma, ang nasabing pera ay bilang bahagi ng mandatory contributions ng PCSO.

Kung saan ang Philippine National Police o PNP ay nakatanggap ng P25,877,837.88; Commission on Higher Education o CHED ay nabigyan din ng P24,672.535.90; at ng Dangerous Drug Board o DDB na may P9,608,217.20.


Kasama rin ang National Bureau of Investigation o NBI na nakatanggap ng P6,764,003.19 at Philippine Sports Commission o PSC na nabigyan din ng P151,616.79.

Ginawa ang nasabing turn-over ceremony sa PCSO parking area Conservatory Bldg., Shaw
Boulevard, Mandaluyong City.

Pahayag pa ni Garma na sa pamamagitan ng Mandatory Contributions ng PCSO ay hindi lang makakatulong sa mga indibidwal na nangangailangan ng medical assistance kundi mabibigyan din ng pondo ang ilang government institutions.

Facebook Comments