Muling naglaan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ilalim ng kanilang Medical Access Program (MAP) ng karagdagang P49 million para sa medical assistance ng 6,308 indigent patients.
Sa nasabing halaga, malaking porsyento nito at inilaan sa Northern at Central Luzon Region kung saan nasa 1,610 pasyente ang natulungan.
Mahigit 10 milyong piso naman ang inilaan para sa 1,536 na nangangailangan ng serbisyong medikal sa Southern Tagalog at Bicol Region.
Nasa P9 million pesos sa Visayas Region, P8 million sa National Capital Region (NCR) at P1 million sa Mindanao Region.
Sakop ng Medical Access Program ng PCSO ang confinement, hemodialysis, chemotherapy, mga gamot para sa post-kidney transplant, at hemophilia treatment.
Facebook Comments