Nagpaliwanag ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) hinggil sa dami ng bilang ng nanalo sa jackpot prize Grand Lotto 6/55.
Ayon kay General Manager Mel Robles, ang mga nanalo ay talagang inaalagaan ang mga numero kung saan pito sa 433 na nanalo ay sa pamamagitan ng lucky pick.
Sinabi pa ni GM Robles na nagkataon lamang ang pagkakapanalo ng mga indibidwal na ito at kaniyang iginigiit na wala silang nakikitang problema sa sistema ng pag-draw ng mga numero sa lotto.
Dagdag pa ni GM Robles na handa silang magpaliwanag at ipakita ang mga datos sa planong pag-iimbestiga sa nangyari.
Muli ring iginigiit ni GM Robles na wala silang nakikitang mali sa pagkakapanalo ng 433 na mananaya at kaniyang sinisiguro na ang PCSO ay tapat sa kanilang tungkulin at sumusunod sila sa mandato.
Matatandaan na paghahatian ng mahigit 433 na mananaya sa lotto ang P236,091,188.40 na jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 sa bola nitong Sabado.
Ang mga nanalo ay nakakuha sa winning combination na 09-45-36-27-18-54 kaya’t bawat isa sa kanilang ay tatanggap ng P545,245.24.