PCSO, nagpasaklolo na sa PNP para ipahinto ang operasyon ng Peryahan ng Bayan

Nagpasaklolo na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., na ipatigil ang operations ng Peryahan ng Bayan at arestuhin ang mga indibidwal na sangkot sa naturang iligal na aktibidad.

Sabi ni PCSO General Manager Mel Robles sa kanyang liham sa PNP na may petsang 29 August 2022 humihiling siya na sugpuin ang operasyon ng Peryahan ng Bayan numbers game na kumakalat sa buong bansa na una nang pinatigil ng PCSO noong 16 February 2016 alinsunod sa Board Resolution No. 51, Series of 2016.

Napag-alaman na ang Peryahan ng Bayan ay muling bumalik ang operations sa maraming lugar sa kabila ng suspensyon.


Ayon sa PSCO, ang peryahan operator Globaltech Mobile Online Corporation ay inisyal na nakakuha ng status quo ante order mula sa Pasig City Regional Trial Court Branch 161 laban sa nasabing termination, pero ang Writ of Execution na inisyu noong Febuary 18, 2020 ay ini-recall ng naturang korte.

Paliwanag ni Robles, ang pagpapatuloy ng operation ng Peryahan ng Bayan games ay hindi saklaw ng PCSO pero ito’y iligal at labag sa penal laws laban sa illegal gambling activities.

Dagdag pa ng PCSO na inililigaw ng Globaltech ang law enforcement agencies na ipinaalam sa kanila ng pagbabalik ng Peryahan ng Bayan games base sa umano’y pagpapatupad ng status quo ante order.

Isang source ang tumangging magpakilala na ilang mga corrupt individuals na nag-o-operate ng peryahan ng bayan sa Calapan City, Mindoro na kahit na malinaw ang kautusan mula sa PCSO na hindi pinapayagan na i-refer sa local police.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ang PCSO Oriental Mindoro branch ay sumulat sa regional police office na humihiling na ipahinto ang illegal operations ng peryahan ng bayan sa pitong bayan sa probinsya dahil ang small town lottery ay tanging awtorisado lamang ng PCSO na mag-operate ng numbers game sa bansa.

Facebook Comments