MPD Bike Patrol, muling umarangkada sa ilang bahagi ng Maynila

41

Muling umarangkada ang Bike Patrol ng Manila Police District (MPD) kung saan nag-ikot ito sa ilang bahagi ng lungsod ng Maynila.

Pinangunahan ni MPD Director Police Brig. Gen. Andre Dizon ang pag-iikot kasama ang ilang mga tourist police at mga tauhan ng District Mobile Force Battalion.

Bukod kay Dizon, kasama rin sa pag-iikot sina MPD PIO Chief Maj. Philipp Ines at Col. Julius C. Añonuevo na hepe ng MPD- District Mobile Force Battalion.


Ilan sa mga inikutan ng Bike Patrol ng MPD ang Intramuros, Recto, Mendiola, España, Sampaloc at Quaipo.

Isa sa mga layunin ng ginawa nilang aktibidad ay upang ipakita ang karagdagang seguridad sa mga paaralan at unibersidad para sa kaligtasan ng mga estudyante.

Paraan din ito para mapigilan ang nagbabalak gumawa ng krimen na kadalasan mga estudyante ang binibiktima.



Sinabi ni Gen. Dizon na magkakaroon ng regular na pag-iikot ang Bike Patrol ng MPD para mapanatag ang mga estudyante lalo na ang mga magulang sa tuwing papasok ng paaralan ang kanilang mga anak.

Facebook Comments